Mga Patakaran sa Pagsali
- Nilalayon ng Patimpalak Sanaysay na itanghal ang talino ng mga mag-aaral na nais makibahagi sa pag-aaral ng kulturang Filipino sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay. Itinataguyod ito ng Kagawaran ng Filipino kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kultura. Inaasahang makapag-aambag ang mga mag-aaral ng Ateneo ng mahusay na sanaysay na magpapakita ng kanilang makabuluhang pakikiisa sa pagtaguyod ng wika, panitikan at kulturang Filipino.
- Para sa taong ito, gagamiting tema ng timpalak ang “Musika at Kamalayang Makabayan” (Kundiman/novelty/rock/ R&B/country/awit pambata at iba pa).
- Kinakailangang sundin ng mga ipapasang lahok ang sumusunod:
Naaayon sa paksang nabanggit
Nakasulat sa wikang Filipino
Apat na malinis na kopya
May 5-10 pahina ang haba
Nakasulat sa 8½ x 11 bond paper
Makinilyado (typewritten o computerized)
Laktawan (double-spaced) - Hindi dapat maglagay ng tunay na pangalan ng kalahok sa ipapasang sanaysay. Sa halip, kailangang isulat ang pen name at I.D. number ng manunulat sa bawat kopyang ipapasa. Sa hiwalay na entry form isusulat ang mahahalagang impormasyon hinggil sa kalahok. Ilalagay ang apat na kopya ng lahok at ang entry form sa short brown envelope na nakapangalan sa: LUPON NG INAMPALAN Patimpalak-Sanaysay Kagawaran ng Filipino.
- Maaaring magsumite ng lahok mula ika-30 ng Hulyo hanggang sa ika-5 ng Agosto 2008, bago mag-4:30 ng hapon sa Kagawaran ng Filipino.
- Maliban sa posibilidad na mailathala ang kanilang sanaysay sa Matanglawin at Heights Literary Folio, tatanggap ang mga magwawagi ng sumusunod na gantimpala:
Unang Gantimpala – P2,000
Ikalawang Gantimpala – P1,500
Ikatlong Gantimpala – P1,000 - Kinakailangang orihinal ang ipapasang lahok, hindi pa nailalathala sa anumang publikasyon, o naisali sa iba pang patimpalak.
- Angkin ng Kagawaran ng Filipino ang karapatang ilathala ang mga magwawaging akda.
- Mananatiling pangwakas at hindi magbabago ang pasya ng inampalan.
- Para sa mga tanong, makipag-ugnayan kay Bb. Carlota B. Francisco sa Kagawaran ng Filipino, 426-6001 loc. 5320.
No comments:
Post a Comment