Thursday, July 15, 2010

Timpalak Tula

TIMPALAK TULA
Buwan ng Wika at Kultura

Mga Patakaran sa Pagsali


1. Nilalayon ng Patimpalak Tula na itanghal ang pagkamalikhain at talino ng mga mag-aaral na nais makibahagi sa pagpapakahulugan sa karanasang Filipino sa pamamagitan ng pagsulat ng tula. Itinataguyod ito ng Kagawaran ng Filipino kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kultura. Inaasahang makapag-aambag ang mga mag-aaral ng Ateneo ng mahusay na tula na magpapamalas ng kanilang makabuluhang pakikiisa sa pagtaguyod ng wika at panitikang Filipino.

2. Kinakailangang magpasa ng isang tula ang bawat kalahok. Malayang makapipili ang sinumang lalahok ng kanyang paksa. Maaaring magpasa ng mga tulang may sukat at tugma, maaari ring may malayang taludturan.

3. Kinakailangang sundan ng mga ipapasang lahok ang mga sumusunod:
a. Nakasulat sa wikang Filipino
b. Apat na malinis na kopya
c. Nakasulat sa 8 ½ x 11 bond paper
d. Makinilyado (typewritten o computerized)

4. Hindi dapat maglagay ng tunay na pangalan ng kalahok sa ipapasang tula. Sa halip, kailangang isulat ang pen name at I.D. number ng manunulat sa bawat kopyang ipapasa. Sa hiwalay na entry form isusulat ang mahahalagang impormasyon hinggil sa kalahok. Ilagay ang apat na kopya ng lahok at ang entry form sa short brown envelope na nakapangalan sa:

LUPON NG INAMPALAN
Patimpalak Tula
Kagawaran ng Filipino

5. Maaaring magsumite ng lahok mula sa ika-26 ng Hulyo hanggang ika-6 ng Agosto 2010, bago mag-4:30 ng hapon sa Kagawaran ng Filipino.

6. Bukod sa posibilidad na mailathala ang kanilang tula sa Heights Literary Folio, tatanggap ang mga magwawagi ng sumusunod na gantimpala:

Unang Gantimpala – P 2,000
Ikalawang Gantimpala – P 1,500
Ikatlong Gantimpala – P 1,000

7. Kinakailangang orihinal ang ipapasang lahok, hindi pa nailalathala sa anumang publikasyon, o naisali sa iba pang patimpalak.

8. Angkin ng Kagawaran ng Filipino ang karapatang ilathala ang mga magwawaging akda.

9. Mananatiling pangwakas at hindi magbabago ang pasya ng inampalan.

10. Para sa mga tanong, makipag-ugnayan kina Bb. Carlota Francisco, Bb. Kristine Romero at Bb. Claudette Ulit sa Kagawaran ng Filipino, 426-6001 loc. 5320.

Timpalak Slogan

TIMPALAK SLOGAN
Buwan ng Wika at Kultura

Mga Patakaran sa Pagsali

1. Nilalayon ng Timpalak Slogan na itanghal ang husay ng mga mag-aaral sa pagbuo ng nakahihikayat na pahayag at disenyo kaugnay ng adhikain ng Kagawaran ng Filipino sa taong ito. Inaasahang makapag-aambag ang mga mag-aaral ng Ateneo ng mahusay na slogan na nagpapakita ng kanilang makabuluhang pakikiisa sa pagtataguyod ng wika, panitikan, at kulturang Filipino.

2. Para sa taong ito, maaaring gumawa ng slogan hinggil sa kahalagahan ng pagbabasa. Ilang halimbawa nito ang “Sa Pagbasa, May Pag-asa” na proyekto ng Tan Yan Kee Foundation Inc., at ang “Pagbasa/Pag-asa” ni Cong. Bolet Banal.

3. Kinakailangang sundin ng mga lalahok ang mga sumusunod:
a. Naaayon sa paksang nabanggit
b. Nakasulat sa wikang Filipino
c. Binubuo ng dalawa (2) hanggang limang (5) salita
d. May angkop na disenyo / background
e. Digital format (JPEG, TIF), printable sa sukat na 60 cm x 90 cm para sa mga format na pahalang (horizontal) at patayo (vertical).
f. Maghanda ng apat (4) na CD na naglalaman nito.

4. Magtungo sa Kagawaran ng Filipino upang sagutan ang apat (4) na kopya ng entry form. Isulat dito ang pangalan, I.D. number, kurso at taon. Ilagay ang apat na CD at ang entry form sa short brown envelope na nakapangalan sa:

LUPON NG INAMPALAN
Patimpalak Slogan
Kagawaran ng Filipino

5. Maaaring magsumite ng lahok mula sa ika-26 ng Hulyo hanggang ika-6 ng Agosto 2010, bago mag-4:30 ng hapon sa Kagawaran ng Filipino.

6. Tatanggap ng P 2,000 ang magwawagi at gagamiting opisyal na slogan ng Kagawaran ng Filipino sa buong taon ang natatanging lahok. Mailalathala rin ito sa opisyal na pahayagan ng Matanglawin.

7. Kinakailangang orihinal ang ipapasang lahok, hindi pa nailalathala sa anumang publikasyon, o naisali sa iba pang patimpalak.

8. Angkin ng Kagawaran ng Filipino ang karapatang ilathala ang mga magwawaging akda.

9. Mananatiling pangwakas at hindi magbabago ang pasya ng inampalan.

10. Para sa mga tanong, makipag-ugnayan kina Bb. Carlota Francisco, Bb. Kristine Romero at Bb. Claudette Ulit sa Kagawaran ng Filipino, 426-6001 loc. 5320.

Timpalak Blog

TIMPALAK BLOG
Buwan ng Wika at Kultura


Mga Patakaran sa Pagsali


1. Nilalayon ng Patimpalak Blog na itanghal ang talino ng mga mag-aaral na nais makibahagi sa pag-aaral ng kulturang Filipino sa pamamagitan ng paglikha ng blog. Itinataguyod ito ng Kagawaran ng Filipino kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kultura. Inaasahang makapag-aambag ang mga mag-aaral ng Ateneo ng mahusay na blog na magpapakita ng kanilang makabuluhang pakikiisa sa pagtaguyod ng wika, panitikan at kulturang Filipino.

2. Para sa taong ito, maaaring gawin ang anumang may kinalaman sa kahalagahan ng pagbabasa. Ilan sa mga halimbawa ng paksa ang mga sumusunod: kalagayan ng praktis ng pagbabasa ng kabataan sa kasalukuyan, ang halaga ng pagbasa sa pag-unlad ng sarili at lipunan, ang karanasan sa pagbabasa sa nagbabagong panahon, at iba pa.

3. Kinakailangang sundin ng mga lalahok ang mga sumusunod:

a. Naaayon sa paksang nabanggit
b. Nakasulat sa wikang Filipino
c. Isang (1) blog entry na may 3-5 pahina ang haba ng teksto kapag inilipat
sa Microsoft Word (laktawan)
d. Maaari itong langkapan ng musika, mga larawan, o anumang bagay na
makapagpapayaman sa nasabing blog entry

4. Magtungo sa Kagawaran ng Filipino upang sagutan ang tatlong (3) kopya ng entry form. Isulat dito ang pangalan, I.D. number, kurso at taon, gayundin ang link o address sa web ng inyong blog entry.

5. Maaaring magsumite ng lahok mula ika-26 ng Hulyo hanggang ika-6 ng Agosto, bago mag-4:30 ng hapon sa Kagawaran ng Filipino.

6. Tatanggap ang mga magwawagi ng mga sumusunod na gantimpala:

Unang Gantimpala – P 2,000
Ikalawang Gantimpala – P 1,500
Ikatlong Gantimpala – P 1,000

7. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga magwawagi na maisama ang link ng kanilang blogsite sa matanglawin.org.

8. Siguraduhin na ang nakasulat na pangalan sa entry form ay siya ring nagsulat ng ilalahok na blog entry.

9. Mananatiling pangwakas at hindi magbabago ang pasya ng inampalan.

10. Para sa mga tanong, makipag-ugnayan kina Bb. Carlota Francisco, Bb. Kristine Romero at Bb. Claudette Ulit sa Kagawaran ng Filipino, 426-6001 loc. 5320.

Timpalak Awit

TIMPALAK AWIT
Buwan ng Wika at Kultura


Mga Patakaran sa Pagsali



1. Bukas ang Timpalak Awit para sa lahat ng mag-aaral (mula una hanggang ikaapat na taon) ng Ateneo de Manila Loyola Schools. Kailangang isulat ng isa o mga kasalukuyang (presently enrolled) mag-aaral ng Ateneo de Manila Loyola Schools ang awit (lyrics and music) na isasali sa timpalak.

2. Maaaring love song, rap, R&B, rock, country, kundiman, at iba pa ang porma o uri ng awit na ilalahok, basta’t nakasulat sa wikang Filipino.

3. Kung hindi umaawit ang/ang mga sumulat, maaari siya/silang kumuha ng aawit na isa ring kasalukuyang mag-aaral ng Ateneo de Manila Loyola Schools.

4. Kailangang naka-record sa isang cassette tape o CD ang lahok. Ipapasa ito kasama ang tatlong (3) kopya ng titik/lyrics ng awit at pangalan ng/ng mga sumulat. Ilagay ito sa loob ng isang short brown envelope na may nakasulat na “Timpalak Awit 2010” sa labas.

5. Maaaring magsumite ng lahok mula ika-26 ng Hulyo hanggang ika-6 ng Agosto 2010. Dalhin ang mga kahingian sa Kagawaran ng Filipino, 3rd Floor Dela Costa Building at ilagay sa kahong nakalaan para sa mga lahok.

6. Ilalabas ng Kagawaran ang limang (5) napiling finalist sa ika-19 ng Agosto 2010 (Huwebes).

7. Ang limang mapipiling finalist ay maglalaban-laban sa ika-25 ng Agosto, araw ng “KA: Poetry Jamming Session” na siya ring magsisilbing pagtatapos ng Buwan ng Wika at Kultura 2010.

8. Kailangang itanghal nang live ang mga awit.

9. Magkakaroon ng parangal para sa pinakamahusay na mang-aawit/interpreter at pinakamahusay na awit.

10. Ang pasya ng Kagawaran ng Filipino at mga hurado sa finalist at mananalo sa araw ng “KA: Poetry Jamming Session” ay hindi na mababago.

11. Para sa mga tanong, makipag-ugnayan kina Bb. Carlota Francisco, Bb. Kristine Romero at Bb. Claudette Ulit sa Kagawaran ng Filipino, 426-6001 loc. 5320.

Monday, August 17, 2009

Pagmamakata sa Filipino, Pagmamakata at Pilosopiya

Isa itong audio recording ng panayam nina Prop. Michael M. Coroza ng Kagawaran ng Filipino at ni Prop. Jean Page-Tan ng Kagawaran ng Pilosopiya noong Agusto 12, 2009, 4:30 ng hapaon sa Leong Hall Auditorium. Tinalakay ni Prop. Coroza ang halaga ng makata sa sinaunang lipunan at ang kanyang posisyon sa isang mas kontemporanyong lipunan. Tinalakay naman ni Prop. Tan ang mga ideya nina Platon at Aristoteles tungkol sa sining partikular ang ideya ng mimesis.

I-download mula dito ang panayam nina Prop. Coroza at Prop. Tan.