SAGALA NG MGA SIKAT 0808
Mga Huling Paalala
1. Nakareserba ang College Covered Courts para sa Sagala mula 5:30 n.u. hanggang 8:00 n.g. Maaari ninyong ipasok ang inyong arko sa CovCourts nang maaga.
- Maaaring gamitin ang parking area ng Old Communications Department sa paglalagak at pagsasakay ng inyong mga arko.
- Ipinapaalala ng University Physical Plant Office na ang pinakamaluwag na oras para ipasok ang arko ay 8:00 hanggang 10:00 ng umaga.
- Huwag kalilimutang ilagay ang mga Car Pass sa windshield ng sasakyang magpapasok ng inyong arko.
2. May nakalaang espasyo para sa bawat arko sa loob ng Covered Courts. Ito ang inyong magiging teritoryo. Maaari rin ninyong ilagak ang inyong mga gamit sa espasyong nakalaan sa inyo. RESPONSIBILIDAD NG BAWAT MAG-AARAL ANG KANYANG GAMIT. KAPAG NAWALAN KAYO NG GAMIT, HINDI ITO PANANAGUTAN NG KAGAWARAN NG FILIPINO, NG P.E. DEPARTMENT O NG SECURITY GUARD.
3. Mayroon tayong MOBILE INFO BOOTH na maaari ninyong lapitan at pagtanungan kung may mga paglilinaw kayong nais malaman kaugnay ng kaayusan ng parada. Lapitan sina G. ALVIN YAPAN o G. JETHRO TENORIO
4. Mayroon tayong FIRST AID na makakatuwang para sa mga di-inaasahang pangyayari sa kabuoan ng Sagala ng mga Sikat. cLapitan si BB. PAMELA CRUZ o ang mga ROTC Medics
5. Ang mga arko na wala pa sa Covered Courts pagsapit ng 4:15 ay ilalagay sa hulihan ng parada. Hindi na maipapasok ang arko sa loob ng Covered Courts sa pagsisimula. Sa halip ay hihintayin ninyong lumabas ang mga arko para magparada bago kayo makakasunod. Pagbalik sa Covered Courts ay maaari na kayong pumunta sa nakalaang espasyo para sa inyo.
6. Ang bagong ruta natin ay:
- Mula Covered Courts, lalabas ng Seminary Road papuntang Fr. Masterson, deretso hanggang sa entrance ng SEC Parking Lot, papasok ng College Lane, deretso hanggang sa Rizal Library Exit, kakanan ng University Road, deretso hanggang sa Fr. Masterson, kakanan at babalik sa Seminary Road, kakaliwa at babalik sa Covered Courts
- Kung sakaling umulan (na nananampalataya tayong HINDI mangyayari) hindi na tayo lalabas ng Covered Courts para magprusisyon.
- Alalahanin na matarik ang Seminary Road. Paghandaan ang pagtutulak ng arko sa bahaging ito ng parada.
7. Mayroong 4 HAND HELD MICS na magagamit para sa pagtatanghal.
8. Kung may tugtog at tunog kayong gagamitin para sa pagtatanghal, ipadala ang isang (1) kinatawan ng klase sa TECH BOOTH na nasa gilid ng audience area. Lapitan si G. JOHN TORRALBA habang nagtatanghal ang grupo bago ang inyong grupo.
9. Tiyaking walang maiiwang kalat/basura ang inyong arko pagkatapos ng palatuntunan. At TIYAKING HINDI NINYO IIWAN ANG INYONG ARKO SA PAARALAN pagkatapos ng Sagala.
10. Igagawad ang mga parangal sa KA Poetry Jamming na magaganap kinabukasan, Agosto 28, 2008 sa Escaler Hall, mula 4:30 hanggan 7:00 ng gabi. Tiyaking may makakapuntang kinatawan ang klase.
No comments:
Post a Comment