- Nilalayon ng Patimpalak Tula na itanghal ang pagkamalikhain at talino ng mga mag-aaral na nais makibahagi sa pagpapakahulugan sa karanasang Filipino sa pamamagitan ng pagsulat ng tula. Itinataguyod ito ng Kagawaran ng Filipino kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kultura. Inaasahang makapag-aambag ang mga mag-aaral ng Ateneo ng mahusay na tula na magpapamalas ng kanilang makabuluhang pakikiisa sa pagtaguyod ng wika at panitikang Filipino.
- Kinakailangang magpasa ng isang tula ang bawat kalahok. Malayang makapipili ang sinumang lalahok ng kanyang paksa. Maaaring magpasa ng mga tulang may sukat at tugma, maaari ring may malayang taludturan.
- Kinakailangang sundan ng mga ipapasang lahok ang mga sumusunod: a. Nakasulat sa wikang Filipino. b. Apat na malinis na kopya. c. Nakasulat sa 8½ x 11 bond paper. d. Makinilyado (typewritten o computerized).
- Hindi dapat maglagay ng tunay na pangalan ng kalahok sa ipapasang tula. Sa halip, kailangang isulat ang pen name at I.D. number ng manunulat sa bawat kopyang ipapasa. Sa hiwalay na entry form isusulat ang mahahalagang impormasyon hinggil sa kalahok. Ilagay ang apat na kopya ng lahok at ang entry form sa short brown envelope na nakapangalan sa: LUPON NG INAMPALAN, Patimpalak Tula, Kagawaran ng Filipino
- Maaaring magsumite ng lahok mula sa ika-30 ng Hulyo hanggang ika-7 ng Agosto 2009, bago mag-4:30 ng hapon sa Kagawaran ng Filipino.
- Bukod sa posibilidad na mailathala ang kanilang tula sa Heights Literary Folio, tatanggap ang mga magwawagi ng sumusunod na gantimpala: Unang Gantimpala – P 2,000 || Ikalawang Gantimpala – P 1,500 || Ikatlong Gantimpala – P 1,000
- Kinakailangang orihinal ang ipapasang lahok, hindi pa nailalathala sa anumang publikasyon, o naisali sa iba pang patimpalak.
- Angkin ng Kagawaran ng Filipino ang karapatang ilathala ang mga magwawaging akda.
- Mananatiling pangwakas at hindi magbabago ang pasya ng inampalan.
- Para sa mga tanong, makipag-ugnayan kina Bb. Pamela Cruz at Bb. Claudette Ulit sa Kagawaran ng Filipino, 426-6001 loc. 5320.
Wednesday, July 15, 2009
TIMPALAK TULA 2009
Mga Patakaran sa Pagsali
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment