Magandang araw. Ako ang Timpalak Blog Ninja (TBN).
Timpalak. Blog. Ninja. Ako.
Tungkol sa paksa
Dear TBN,
Wassup? Nabasa ko sa previous post na "maaaring gawin ang anumang may kinalaman sa wikang Filipino." E di ba, kapag ginamit ko ang wikang Filipino sa blog entry ko, "may kinalaman" na sa wikang Filipino yun? Nice costume by the way. -Chris T.
Chris T.,
Talaga? Mura lang to. Heniwey, tama ka diyan. Isa yan sa mga dahilan kung bakit pinasimulan ang patimpalak na ito. Gusto naming makitang ginagamit ang wikang Filipino sa internet. Gusto naming makitang tinatalakay ang karanasang Filipino (kulektibo man o indibidwal) sa internet. *pasok: sweeping dramatic music*
Tungkol sa wika
Dear TBN,
I was parang like, you know, for example, wondering if keri lang ang hindi pormal na Pinoy language sa blog entry? -Kris A.
Kris A.,
Hindi kinakailangang pormal ang wikang gamitin sa blog entry. Basta nadala naman, okey lang yun. Uhuh
Tungkol sa anyo
Dear TBN,
3-5 pages? Marunong ba kayong mag-blog? Hindi niyo ba alam ang ibig sabihin ng hyperlink, graphics, comments, video, post-centrism etc.? Pang-essay ang pamantayan niyo! Lagim! Kutsilyo! Martilyo! Granada! -Teresa M.
Teresa M.,
I feel you, Teresa M. Inaalis na ng Kagawaran ang itinakdang haba ng mga lahok, dahil problematiko ang konsepto ng "haba" kung hypertext ang pinag-uusapan. Apir.
May tanong ka ba tungkol sa timpalak blog? Mag-iwan lang ng kumento at sasagutin ka ng Timpalak Blog Ninja (TBN). Rakenrol
Mula dito ang larawan.
Friday, July 17, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
magandang araw G. TBN! nakapagpasa na po ako ng link, pero ngayon ko lang i2 nbasa. maari ko pa bang bguhin ang entry ko? -Kenshin H.
Kenshin H.,oo naman, puwedeng puwede. Sa katapusan pa naman ng pagpapasa ng mga entry titingnan ng mga hurado ang link e. go!
Dahil po nagkaroon ng mga pagbabago sa mga pamantayan sa paglahok sa timpalak blog, maaari niyo po bang linawin kung ano ang criteria para rito? (Hal. Mas mainam po ba kung pormal na wika ang gagamitin sa paggawa ng blog?)
Maraming salamat po.
Magandang araw, anon. Alalahanin na nasa konteksto ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kultura ang timpalak na ito. Dahil diyan, gusto naming makakita ng blog entry na tumatalakay sa karanasang Pinoy, indibidwal man o kolektibo. Idagdag pa, dahil nga timpalak blog ito, inaasahan rin naming magawa ang pagtatalakay gamit ang mga posibilidad na binubuksan ng blogging (paglalagay ng hyperlink, larawan, video at iba pa).
Uulitin ko, hindi kinakailangang pormal ang gamiting wika sa blog entry. Gamitin mo varayti/varyasyon ng Filipino na sa tingin mo ay naaangkop sa paksang iyong napili, sa personang iyong nililikha, atbp.
Ang seryoso ko ba? Ikaw kasi e.
Maraming salamat po sa kasagutan. Nanghihinayang lamang po ako dahil magiging medyo maluwag sa wika ang timpalak. Gayunpaman, naiintidihan ko po ang layunin ng kagawaran kaya nagpapasalamat pa rin po ako sa paglulunsad ng timpalak na ito.
P.S. Bakit po tinanggal na ang timpalak sanaysay?
Mahabang kuwento yan, anon. Sa ibang araw na lang siguro natin pag-usapan. Apir.
Kailan po ilalabas ang resulta ng mga timpalak?
Maraming salamat po.
Post a Comment