Thursday, July 15, 2010

Timpalak Slogan

TIMPALAK SLOGAN
Buwan ng Wika at Kultura

Mga Patakaran sa Pagsali

1. Nilalayon ng Timpalak Slogan na itanghal ang husay ng mga mag-aaral sa pagbuo ng nakahihikayat na pahayag at disenyo kaugnay ng adhikain ng Kagawaran ng Filipino sa taong ito. Inaasahang makapag-aambag ang mga mag-aaral ng Ateneo ng mahusay na slogan na nagpapakita ng kanilang makabuluhang pakikiisa sa pagtataguyod ng wika, panitikan, at kulturang Filipino.

2. Para sa taong ito, maaaring gumawa ng slogan hinggil sa kahalagahan ng pagbabasa. Ilang halimbawa nito ang “Sa Pagbasa, May Pag-asa” na proyekto ng Tan Yan Kee Foundation Inc., at ang “Pagbasa/Pag-asa” ni Cong. Bolet Banal.

3. Kinakailangang sundin ng mga lalahok ang mga sumusunod:
a. Naaayon sa paksang nabanggit
b. Nakasulat sa wikang Filipino
c. Binubuo ng dalawa (2) hanggang limang (5) salita
d. May angkop na disenyo / background
e. Digital format (JPEG, TIF), printable sa sukat na 60 cm x 90 cm para sa mga format na pahalang (horizontal) at patayo (vertical).
f. Maghanda ng apat (4) na CD na naglalaman nito.

4. Magtungo sa Kagawaran ng Filipino upang sagutan ang apat (4) na kopya ng entry form. Isulat dito ang pangalan, I.D. number, kurso at taon. Ilagay ang apat na CD at ang entry form sa short brown envelope na nakapangalan sa:

LUPON NG INAMPALAN
Patimpalak Slogan
Kagawaran ng Filipino

5. Maaaring magsumite ng lahok mula sa ika-26 ng Hulyo hanggang ika-6 ng Agosto 2010, bago mag-4:30 ng hapon sa Kagawaran ng Filipino.

6. Tatanggap ng P 2,000 ang magwawagi at gagamiting opisyal na slogan ng Kagawaran ng Filipino sa buong taon ang natatanging lahok. Mailalathala rin ito sa opisyal na pahayagan ng Matanglawin.

7. Kinakailangang orihinal ang ipapasang lahok, hindi pa nailalathala sa anumang publikasyon, o naisali sa iba pang patimpalak.

8. Angkin ng Kagawaran ng Filipino ang karapatang ilathala ang mga magwawaging akda.

9. Mananatiling pangwakas at hindi magbabago ang pasya ng inampalan.

10. Para sa mga tanong, makipag-ugnayan kina Bb. Carlota Francisco, Bb. Kristine Romero at Bb. Claudette Ulit sa Kagawaran ng Filipino, 426-6001 loc. 5320.

No comments: